BAKIT PATULOY ANG PAGLAKI NG POPULASYON SA PILIPINAS? Dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho ang mga tao.Kulang din sa programa ang pamahalaan tungkol sa Family Planning. At kung meron man hindi sapat sa pagbibigay ng impormasyon o kaalaman sa mga tao.At syempre na rin ay dahil sa mga dalaga at binatang mga teenagers na maagang nagaasawa at nagaasawa ng mayayaman yung iba dahil sa sobrang kahirapan.Marami ring tumatagal ang buhay kaysa sa namamatay kaya patuloy pa rin ang buhay ng mga tao, dahil mas maganda na ang mga gamot na ibinibigay dahil totoong tumatalab ang mga gamot na ginagawa dahil sa teknolohiya.
Mainit ang pagtatalo sa usapin ng mabilis na paglaki ng populasyon sa Pilipinas. Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas ng paglaki ng populsyon sa Asya sa kasalukuyan. May mga nagsasabi na ang malaking populasyon ay isa sa maraming sanhi ng kahirapan. Ayon sa argumentong ito, patuloy ang paglaki ng populasyon sa kabila ng papaunting likas na yaman ng bansa.
Ang mabuting epekto ng paglaki ng populasyon ay maraming mga tao na magtutulungan upang magawa ang isang proyekto o gawain sa takdang oras. Magkakaroon ng mga bagong kaibigan na pagkakatiwalaan ang mga tao dahil masaya mamuhay kung malaki ang iyong pamilya. Ang masamang epekto ng paglaki ng populasyon ay kakulangan sa pagkain dahil mahirap na maghanap ng trabaho ngayon at kawalan ng tirahan dahil maraming kailangang gawin o bilhin na importanteng bagay ng mag-anak. Kailangan nating magsikap sa pag-aaral upang matupad ang ating mga pangarap at hindi tayo maghirap.Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan.
Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population ng Pilipinas sa rate na 2.1%. Malaki ang population growth rate na ito para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.
Paano ito mapipigilan? Iwasan ang maagang pag aasawa at controlin ang sarili at mag karoon ng family planing para hindi lumaki ang populasyon sa ating bansa.
Lahat ng nilalang ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip upang mag desisyon sa kanyang buhay, kabilang na ang bilang ng magiging anak. Sa usaping ito, naniniwala tayo sa karapatan ng mamamayan at ng mag-asawa na pumili ng nararapat na paraan upang makamit ang tinatawag na responsible parenthood. Sila lamang at wala nang iba pa.